Lumina Pandit

You are here

Latest News

Subscribe to Latest News feed
Updated: 19 hours 3 min ago

6'9" Fil-Japanese rookie, bibida para sa UST Growling Tigers

Sun, 08/28/2016 - 20:45

Kaliwa papunta sa kanan: William Afoakwah, Tsutomu Tateishi, Oliver de Guzman at Jason Strait

Ika-28 ng Agosto 2016, 8:30 p.m. - APAT na rookies, kabilang ang isang 6'9" center mula Davao, ang ibabandera ng Growling Tigers sa darating na UAAP men's basketball tournament. 

William Afoakwah

  • Height: 6'6"
  • Edad: 21
  • Nagmula sa: Ghana
  • Nag-aral sa: De La Salle University 
  • Kurso sa UST: Sports and Wellness Management
  • Posisyon: Center
 read more »

UST ROTC enrollment down 80%

Sun, 08/28/2016 - 09:24

By Theodore Jason Patrick K. Ortiz and Maria Crisanta M. Paloma

ONLY about 200 students enrolled in the University’s Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) for Academic Year 2016-2017, a drastic decline from previous years because of lack of freshmen as a result of the painful K to 12 transition.

The figure represents an 80-percent drop from 1,115 cadets last year, amid efforts by the Duterte administration to make ROTC training mandatory anew to help the government’s anti-drug campaign.

Col. Edgar Nigos, the UST commandant, told the Varsitarian the number of ROTC enrollees had been declining compared with the other two National Service Training Program (NSTP) components, Civic Welfare Training Service (CWTS) and Literacy Training Service (LTS). read more »

Responsableng paggamit ng social media, hinikayat ng paring Katoliko

Sat, 08/27/2016 - 19:13

Ika-27 ng Agosto 2016, 7:10 p.m. - HINIMOK ng isang pari mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko tungo sa responsableng paggamit ng "freedom of speech" sa social media, sa kabila ng patuloy na pagbibitiw ng mga paratang ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima.

Hiniling ni P. Jerome Secillano, kalihim ehekutibo ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, na gamitin ng publiko nang maayos at sibilisado ang social media.

“The problem now with social media is, people would just simply express everything and even curse another person,” ani Secillano sa kaniyang pakikipanayam sa the Varsitarian. read more »

Manto, muling hinirang na courtside reporter ng UST

Fri, 08/26/2016 - 21:58

Ika-26 ng Agosto 2016, 9:56 p.m. - MAGBABALIK bilang courtside reporter ng UST si Angelique Manto para sa UAAP Season 79. 

Muling magbibigay-ulat si Manto sa mga laro ng Tigers sa ikalawang pagkakataon, tulad ng sinundan niyang si Kristelle Batchelor na nagsilbi ring courtside reporter ng dalawang taon.

"It still feels so surreal and I'm just so happy to be given another year to work for the teams that I fell in love with," ani Manto sa isang panayam sa the Varsitarian. read more »

Patuloy na paglago ng creative nonfiction, ibinida ng mga Tomasinong kuwentista

Fri, 08/26/2016 - 21:13

Ika-26 ng Agosto 2016, 9:12 p.m. - TAMPOK sa talakayan ng mga Tomasinong manunulat ang patuloy na pag-usbong ng creative nonfiction.

Ayon kay Cristina Pantoja-Hidalgo, direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies, mas uunlad pa ang pagsulat ng nasabing anyo ng panitikan sa tulong ng teknolohiya.

"I think present-day technology has become a boon. It produces more writing and more reading which is good," ani Hidalgo sa talakayang pinamagatang, "The Way We Wrote: Is Literature Writing so Different Before?" read more »

image.jpeg

'Zero mining policy' para sa mga Lumad, panawagan ng isang propesor

Fri, 08/26/2016 - 21:09

Ika-26 ng Agosto 2016, 9:08 p.m. - HINIKAYAT ng isang propesor mula sa Fakultad ng Sining at Panitik ang pagsasakatuparan ng polisiyang "zero mining" ng administrasiyong Duterte upang mabigyang proteksiyon ang mga katutubong pangkat sa bansa.

Ayon kay Tyrone Nepomuceno, isang historyador, mahalagang mapanatili ang purong kultura ng mga Lumad sa likod ng pag-iral ng “chopsuey culture” o ang halo-halong kultura na impluwensiya ng mga bansang sumakop sa Pilipinas.

“[The Lumads] are the reminders na ang mga Filipino ay may sariling culture,” ani Nepomuceno sa isang talakayang idinaos sa Engineering Conference Hall, ika-26 ng Agosto. read more »

image.jpeg

Protesta kontra 'extrajudicial killings,' isinagawa ng mga mag-aaral

Thu, 08/25/2016 - 21:49

Ika-25 ng Agosto 2016, 9:48 p.m. - NAGTIPON-TIPON ang mga aktibistang mag-aaral ng Unibersidad sa isang kilos-protesta laban sa extrajudicial killings sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa ilalim ng administrasiyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Naganap ang protesta sa Kalye Dapitan sa pangunguna ng grupong League of Filipino Students (LFS)-UST upang hikayatin ang Pangulo na itigil ang sunod-sunod na extrajudicial killings.

“Kami naman, specifically mga students or youth, suportado namin `yung fight against drugs. [W]hat we condemn is `yung extrajudicial killings,” ani Elizabeth Anthony, pangkalahatang kalihim ng LFS-UST, sa isang panayam sa Varsitarian. read more »

Asintadong Tomasino

Thu, 08/25/2016 - 15:13

Ni Winona S. Sadia

NOONG 1941, ibinibida ang husay at galing ng mga Tomasino sa paggamit ng baril at riple sa isang kompetisyon ng pagbaril bilang bahagi ng pagdiriwang ng University Day o ng anibersaryo ng pagtatalaga ni Santo Papa Innocent X sa Colegio de Santo Tomas bilang isang Unibersidad.

Pinangunahan ng Department of Military Science and Tactics ang patimpalak. Ang mga alintuntunin nito ay ang sumusunod: una, kailangang nakatayo ang mamamaril; ikalawa, may karapatang mamili ang kalahok kung riple o pistol ang nais niyang gamitin; ikatlo, kailangang mataaman niya ang bull’s eye.

Limampung sentimos ang gantimpala sa mga makatatama sa bull’s eye.  read more »

NOONG 1941, ibinibida ang husay at galing ng mga Tomasino sa paggamit ng baril at riple sa isang kompetisyon ng pagbaril bilang bahagi ng pagdiriwang ng University Day o ng anibersaryo ng pagtatalaga ni Santo Papa Innocent X sa Colegio de Santo Tomas bilang isang Unibersidad.

'Pilipinong' bersiyon ng pederalismo, isinulong

Wed, 08/24/2016 - 22:21

Ika-24 ng Agosto 2016, 10:20 p.m. - IMINUNGKAHI ng isang dating senador ang pagkilala sa katutubong kultura sa pagsulong ng administrasiyong Duterte sa pederalismo bilang bagong sistema ng pamahalaan.

Iginiit ni Aquilino "Nene" Pimentel Jr. na dapat magkaroon ng "sariling bersiyon" ng pederalismo ang bansa batay sa kultura ng bawat rehiyon.

Paliwanag niya, magsisilbing batayan lamang ang ilang "bahagi" ng pederalismong umiiral sa Estados Unidos at iilang bansa sa Europa sa pagbuo ng Pilipinas ng sarili nitong sistema. read more »

image.jpeg

UST Golden Tigresses, laglag sa Shakey's V-League

Wed, 08/24/2016 - 21:45

Ika-24 ng Agosto 2016, 9:45 p.m. - TANGGAL na sa Shakey’s V-League ang UST Golden Tigresses matapos silang malaglag kontra sa San Sebastian College-Recoletos Lady Stags, 20-25 18-25, 25-16, 19-25, sa quarterfinals ng torneyo ngayong Miyerkules sa Philsports Arena.

Wala nang pagkakataong makapasok ang Tigresses sa semifinals matapos matano ang 0-4 na kartada.

"First time na hindi makakapasok sa semifinals ng UST pero part pa 'yun ng progress. Puwede naman kaming hindi sumali para ma-retain ang history pero sign 'yun ng kaduwagan saka ito na kami at wala kaming ikinahihiya," ani head coach Emilio Kung Fu Reyes Jr. read more »

Vigil, bagong lider ng Tigers

Wed, 08/24/2016 - 21:42

Ika-24 ng Agosto 2016, 9:30 pm. - PINANGALANAN na ni UST head coach Boy Sablan ang 16-man line up ng Growling Tigers para sa nalalapit na UAAP Season 79.

Narito ang mga manlalaro na bubuo sa koponan ng UST: read more »

'Welcome Walk' ng mga atleta, tampok sa UAAP opening sa UST

Tue, 08/23/2016 - 17:43

Ika-23 ng Agosto 2016, 5:40 p.m. - MABIBIGYAN ng pagkakataon ang mga atletang lalahok sa UAAP na makadaan sa ilalim ng Arch of the Centuries sa pagbubukas ng Season 79 sa ika-3 ng Setyembre.

Magaganap ang kanilang bersyon ng "welcome walk" sa ganap na 5:30 ng hapon. Tutungo ang mga atleta sa Plaza Mayor kung saan isasagawa ang opening ceremony na susundan naman ng isang konsiyerto.

Taong 2002 nang simulan ang tradisyong Welcome Walk, kung saan tumatawid sa makasaysayang arko sa harap ng Kalye España ang mga bagong Tomasino bilang simbolo ng pagsisimula ng kanilang buhay Tomasino. read more »

"Hindi na pinakikinggan ang Simbahang Katoliko"

Tue, 08/23/2016 - 09:59

Ika-23 ng Agosto 2016, 7:24 a.m. - WALA nang kapangyarihan ang Simbahang Katoliko na pigilin ang dumarami at lumalalang kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang kriminal sa bansa, ayon sa isang pari mula sa Arkidiyosesis ng Maynila.

“We are powerless in a sense [that] we have no power in legal means. We are not empowered,” ani P. Jose Joel Jason, komisiyoner ng Family and Life ng Arkidiyosesis ng Maynila, sa isang panayam sa Varsitarian.

Paliwanag ni Jason, mayroong dignidad ang lahat ng tao, maging ang mga nagkakasala sa batas. Aniya, dapat itong isaalang-alang sa pagbibigay ng karampatang parusa sa mga nagkasala. read more »

UST, naungusan ng NU Lady Bulldogs sa Shakey's V-League

Mon, 08/22/2016 - 19:43

Ika-22 ng Agosto 2016, 7:40 p.m. - NALASAP ng UST Golden Tigresses ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo kontra sa National University Lady Bulldogs, 21-25, 27-29, 13-25, sa quarterfinals ng 14th Shakey's V-League Collegiate Conference sa PhilSports Arena Lunes. 

Kakailanganin ng Tigresses na ipanalo ang susunod nilang dalawang laro para magkaroon ng tiyansa na makapasok sa playoffs. Hawak ng UST ang 0-3 kartada.

Sinubukang makadikit ng Tigresses sa pagbubukas ng ikatlong set, 5-7. Pero umarangkada ang NU gamit ang 14-5 rally para makamit ang panalo, 21-10. Nagtala ang UST ng siyam na unforced errors sa loob lamang ng ikatlong set.  read more »

Lipa prelate bows to the Vatican, but belief in 1948 apparitions remains

Sun, 08/21/2016 - 10:51

By Gabriel M. Agcaoili, Joel Sebastian D. Cristobal and Christian de Lano M. Deiparine

THE ARCHBISHOP of Lipa remains a firm believer in the 1948 Marian apparitions of Our Lady Mediatrix of All Grace, even as he bows to the Vatican’s declaration that the supposed encounters did not have supernatural origin.

Lipa Archbishop Ramon Arguelles said that while he respects the authority of the Sacred Congregation of the Doctrine of the Faith (CDF), he will not stop the devotion that has spread worldwide.

“I was being asked to proclaim to everybody to stop the devotion, I will never do that. It is against my conviction. Nobody can force anyone to do anything against his or her own convictions,” Arguelles told the Varsitarian. read more »

Tondo, ibinida sa waging sanaysay ng Tomasinong propesor

Sat, 08/20/2016 - 20:45

Ika-20 ng Agosto 2016, 8:40 p.m. - NAGING matulin ang paglimot sa mayamang kasaysayan at kultura ng Tondo, Maynila na pinagmulan ng mga bayani, magigiting na rebolusiyonaryo at mga alagad ng sining.

Ito ang sinulat ni Ferdinand Lopez, dalubguro sa panitikan ng Fakultad ng Sining at Panitik, sa kaniyang sanaysay na pinamagatang "May Tamang Lugar at Panahon: Ang Paghahanap sa Pira-pirasong Langit ng Tundo."

Nakamit nito ang ikalawang gantimpala sa kategoryang Sanaysay ng Gawad KWF, taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. read more »

Artlets Asian Studies Society, kinilala ng Unesco

Fri, 08/19/2016 - 23:42

Ika-19 ng Agosto 2016, 11:40 p.m. - NAGKAMIT ng akreditasiyon mula sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) ang Asian Studies Society ng Fakultad ng Sining at Panitik para sa kanilang mga proyektong pang-edukasiyon at pang-kultura.

Nakatakdang igawad ang katibayan ng pagkilala sa samahan sa darating na ika-21 ng Setyembre, sa isang pangkalahatang pagpupulong sa Cebu Normal University upang tuluyang maging kasapi ito ng National Association of Unesco Clubs in the Philippines. read more »

Ballroom dancing, pasok na sa UAAP

Fri, 08/19/2016 - 21:43

Ika-19 ng Agosto 2016, 9:42 p.m. - SA UNANG pagkakataon, mapapabilang ang ballroom dancing sa hilera ng mga kumpetisyon sa UAAP Season 79 na nakatakdang magsimula sa ika-3 ng Setyembre.

Nahahati ang ballroom dancing sa dalawang kategorya: Ballroom (Standard) at Latin-American.

Kabilang sa kategoryang Ballroom (Standard) ang mga sayaw na Waltz, Tango at Quickstep habang nasa ilalim naman ng kategoryang Latin-American ang Rumba, Tango at Chacha.

Ang ballroom dancing ang magsisilbing panimulang patimpalak ng UAAP ngayong taon sa halip na basketball. read more »

Pagsulat ng tula, inihalintulad sa heograpiya't pananahan

Thu, 08/18/2016 - 21:48

Ika-18 ng Agosto 2016, 9:47 p.m. - MAITUTURING na dinamikong kilos ng pananahanan ang proseso ng pagsulat ng tula, ayon sa isang dalubguro sa malikhaing pagsulat. 

"Writing [poetry] is an act of habitation," ani Dinah Roma sa kaniyang panayam na pinamagatang "Poetry as Cartography: The Lived Space and the Reluctance to Borders" sa Pamantasang De La Salle sa Maynila, ika-17 ng Agosto.

Aniya, nagsisilbing tahanan ang taludturan kung saan malaya at hindi pinaghihigpitan ang isang manunulat.

"Poetry may have no concrete wall or roof, but it does offer shelter. It holds memories; a meaningful time and place," paliwanag ni Roma na isa ring makata. read more »

Pharmacy graduate, hinirang na bagong pinuno ng Food and Drug Administration

Thu, 08/18/2016 - 21:42

Ika-18 ng Agosto 2016, 9:30 p.m. - ITINALAGA ng Pangulong Rodrigo Duterte si Charade Galang Puno, isang alumna mula sa Fakultad ng Parmasiya, bilang bagong pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

Nanumpa sa tungkulin si Puno noong ika-15 ng Agosto sa Malacañang kasabay ang 41 na iba pang itinalagang opisyales ng Pangulo. 

Nagtapos si Puno sa UST taong 1999 at nasungkit niya ang ika-10 na puwesto sa board exams sa parmasiya.

Bago ang kaniyang pagkakatalaga, si Puno ay tumayo bilang pangulo ng Rochar Cosmeceuticals Inc., kumpanya na gumagawa ng produktong pampersonal na kalusugan at kosmetiko. read more »

Pages